Martes, Marso 3, 2015

Hitting the Right Spot (NBSB Certified)

        Ang pangit ng mundong aking ginagalawan. Yung tipong may malaking bahay pero wala namang kasama sa buhay dahil ang mga magulang ko e busy sa negosyo nilang nasa ibang bansa at ang mga kapatid ko naman e may kanya-kanya ng buhay at lovelife. Isa pa, maganda ka, matangkad, balingkinitan ang katawan, sexy, maputi at may mahabang rebonded na buhok pero wala namang manliligaw at boyfriend. Yung tipong gustong gusto mong mamili pero hindi mo magawa dahil wala ka namang mapagpipilian e kasi nga wala namang nangliligaw. Maganda lang ako – maganda lang- yun lang. di attractive at walang sex appeal kaya wala akong boyfriend. Matalino rin ako dahil grumaduate ako bilang isang magna cum laude akala ko dahil dun e may hahanga sa akin at liligawan ako. Meron ngang humanga – humanga lang. yun lang. kailan kaya ako magkakaroon ng isang cupid sa buhay ko. Kailan kaya? Papa God, kailan ko ba sya makikilala? Kailan? 

Kailan kaya may magkakaTAMA sa isang Nicole Crystal Deloho. Certified No Boyfriend Since Birth. Not Choosy but lovely.

Siguro ayaw nila sa mundo ko o sa isang katulad ko. Pero papano kung baliktarin ko ang buhay ko, mayroon kayang magbabago?

Wanna read? just ask.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento