Life isn’t perfect but it could be if you will decide that
it will. Kahit pangit ka sa paningin ng iba, wala ka namang magagawa kasi agaw
pansin ka naman talaga. No one can tell you that you are ugly unless you let
them. Isipin mo na lang hindi talaga nila alam ang totoong kahulugan ng beauty.
Tanungin mo nga sila kung ano ang kahulugan ng beautiful gamit ang proof na galing
sa dictionary o kung sinumang mas henyo kay Einstein. Tingnan natin kung di
lumuwa ang mga mata nila kakahanap ng isang bagay na di naman talaga
nag-eexist.
Beauty is in the eye of the beholder- ika nga nila. Pag
maganda ka sa paningin nila may posibilidad na soulmate mo sila kaya sana wag
mong pagpilitang magpaganda sa taong kahit kalian di magagandahan sa’yo. Honestly,
puso ang pumipili ng maganda hindi naman talaga ang mata. Tandaan niyo sa
kwentong Cupid and Psyche kahit na mas maganda si psyche sa lahat ng kababaihan
sa balat ng mundo ng mythology iisa lang ang nangahas na asawahin siya- si
Cupid lang. so kahit super gander mo still it depends upon your beholder.
Pagiging pangit ang isa sa mga sinisisi kung bakit NBSB ang
isang babae o ang pagiging NGSB ng isang lalaki. Loko-loko lang ang maniniwala
dito. Ngungudngurin ko ang mg mukha nila sa acido sasabayan ko pa ng bleach
para naman luminaw ang mga paningin nila kahit papano kung itong pinaniniwalaan
nila ay totoo. Ang love hindi nakabase sa kung gano kaganda o kung kagwapo ang
taong mahal, mamahalin at minamahal nila. Tanungin ko kayo: gwapo o maganda ba
ang special someone ninyo ngayon?(maging honesto po sa pagsagot sa naturag
tanong. Ang magkakamali ay magkakaroon ng kaparusahang pagbitay sa isang
matarik na bangin sa neverland. Ang pagiging sinungaling ay ipinagbabawal higit
pa sa pag-utot sa isang airconditioned van na walang bintana at iisa lang ang
pintuan. Ito ay isang paalala sa mga nakadrugang nagababasa nito.) nasagot
niyo? O ano? Kaya pa?
Hoy, ang pagiging NBSB at NGSB-ay pwedeng by choice, maybe
by choice, ipinagpipilitang by choice o no choice talaga. Pero ito ang tandaan
niyo hindi kadahilanan ang kapangitan niyo (sabi niyo kahit maganda kayo sa
paninigin ko) sa pagiging (not yet) forever alone. Tandaan niyo kung ang
lovelife nga ay may ending pano pa kaya ang pagiging NBSB. (whahaha)
Naniniwala ba kayo sa love at first sight? Hindi ako isang
henyo pero alam ko ang magiging sagot niyo: a. Oo (sa mga hopeless romantic,
day dreamer, idealist, sa mga ipinanganak na maganda/ gwapo, feeling maganda/
gwapo at NBSB) b. Hindi (sa mga NGSB, realist, bulag at maaari rin sa mga taong
ipinanganak na may katarata) c. ewan (sa mga natutulog, walang pakialam, sa mga
tinatamad mag-isip, sa walang isip, sa mga nagbakasyon ang isip at higit sa
lahat hindi pa nag-iisip.) Love at first sight, nung bata ako naniniwala ako
ditto kaya lang lagging ako ang biktima nito kaya nung nagcollege ako sabi ko
hindi ito totoo pero sabi na naman nila bitter daw ako kaya sabi ko nalang
ewan. Ewan-ewan na walang malay. Malay ko ba, hirap kasi sumagot. Daming
nagtatanong sakin tapos pagsumagot naman ako may birada agad silang: ‘ano ka
totoo kaya yun’, bata lang ang naniniwala dyan, hoy! Gumising ka nga lagi ka
nalang natutulog-puro ewan ang sagot mo. Kaya ngayon alam ko na kung papaano
sasagutin ang tanong na to-------no comment----- ang sunod kasing sasabihin ng
mga nagtatanong sa akin: okay, we wont further ask baka may pinghuhugutan.
Bitter mode ni lola:
Love at first sight. (neknek niyo, karmahin na kung karmahin
kesa naman mabiktima ulit ako ni Kupido). Kapag ako pinatamaan ulit ni kupido,
hahuntingin ko siya kahit na sa mount Olympus pa siya magtago o doon sa moving
mountains. Ipapana ko sa kanya ang lahat ng panang sumapul ng higit isang
milyong beses sa puso ko. Iihawin ko siya yung tipong para siyang lechong cebu.
Paasa kasi siya. Cupid humanda ka na hahuntingin kita! (whahaha)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento